Inimpluwensyahan umano ng China ang 2016 National Elections sa Pilipinas, na nagluklok kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kapangyarihan.
Ito ang isiniwalat ni dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario sa gitna pa rin ng issue ng maritime dispute ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.
Ayon kay Del Rosario, ipinagmalaki umano ng ilang mataas na Chinese Official na naimpluwensyahan nila ang resulta ng halalan sa bansa noong 2016 upang ipanalo si Duterte.
Batay anya ito sa natanggap nilang impormasyon noong February 22, 2019 mula sa isang mapagkakatiwalaang international entity.
Bagaman hindi pinangalanan ng dating kalihim ang kanyang source, naniniwala siyang ang Philippine Embassy sa Beijing ang maaaring magsabi kung totoo ito o hindi. —sa panulat ni Drew Nacino