Asahan na ang mga malaking pagbabago sa 2022 National Elections dahil sa COVID-19 Pandemic.
Naniniwala si Commissioner Rowena Guanzon ng Commission on Elections (COMELEC) na mas pagtutuunan ng pansin ng mga kandidato ang kanilang kampanya sa social media.
Ayon kay Guanzon, duda siyang makakamit ng bansa ang herd immunity bago ang 2022 sa Mayo ng susunod na taon lalo’t tila imposibleng bakunahan kontra COVID-19 kahit kalahati ng 60 million registered voters.
Malabo rin anya ang mga rally na karaniwang dinaragsa ng maraming tao at face-to-face campaign dahil sa health protocol.
Gayunman, aminado si Guanzon na isa sa pinaka-malaking hamon para sa COMELEC ay ang pahirapang pag-monitor sa campaign expenditures ng mga kandidato.
Sa kabila nito ay umaasa silang matutulungan ang poll body ng mga social media at information technology expert sa pagtunton sa social media campaign expenditures para sa non-organic advertisements. —sa panulat ni Drew Nacino