Tinukoy ng PNP ang mahigit 40 bayan at lungsod sa Western Visayas bilang areas of concern.
Kabilang dito ang bayan ng Moises Padilla sa Negros Occidental matapos mapaslang si Sangguniang Bayan Member Jolomar Hilario noong isang linggo.
Pasok naman sa category red ng PNP Regional Office ang mga bayan ng Lemery, Calinog, Maasin at ang Moises Padilla na pawang may history ng karahasan, matinding sigalot sa pulitika at banta ng armadong grupo.
Nasa ilalim naman ng category orange o immediate concern ang mga bayan ng Culasi, Hamtic, Sebaste, Sibalom, Valderama at San Remigio sa Antique, Tapaz, Maayon at Cuartero sa Capiz, San Joaquin, Miag-ao, Tubungan, Igbaras, Alimodian, Janiuay, Lambunao, Leon at Bingawan sa Iloilo at ang Toboso, Himamaylan, Isabela, Hinobaan at Kabankalan City sa Negros Occidental.
Nasa yellow category naman sa areas of concern ang mga bayan ng New Lucena, Sara, San Dionisio at Estancia sa Iloilo at Calatrava, Don Salvador Benedicto, Escalante, Eb Magalona, Silay City, Cagayan, Binalbagan, Hinigaran, La Castellana, Candoni, Ilog at Sipalag City sa Negros Occidental.
Samantala, pinapabura naman ng COMELEC sa listahan ang mga bayan ng Mambusao sa Capiz at mga siuyudad ng Victorias sa Negros Occidental at Bingawan sa Iloilo.
(with report from Jaymark Dagala)