Ipatutupad na simula sa susunod na buwan ang gun ban kaugnay sa 2016 presidential elections.
Itinakda ang election gun ban mula January 10, 2016 hanggang June 8, 2016.
Sa pagpapairal ng gun ban, bawal kumuha ng serbisyo ng security personnel at pagbiyahe ng mga armas at pampasabog.
Suspendido rin sa mga panahong ito ang pag-iisyu ng firearms license at permit to carry firearms outside residence.
Tanging COMELEC lamang ang may karapatang mag-isyu ng certificate of authority sa pagbitbit ng armas.
By Judith Larino | Aya Yupangco (Patrol 5)