Tinukoy ng PNP o Philippine National Police ang 946 election hotspots sa buong bansa na inilagay sa kontrol ng COMELEC.
Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, nadagdag sa listahan ang Moises Padilla, Negros Occidental, Cotabato City, Maguindanao at Daraga, Albay.
Aniya, karamihan sa inilagay sa red category o areas of grave concern ay umabot sa 540 kung saan karamihan ay lugar sa Mindanao.
Habang ang orange hotspot o areas of immediate concern ay 249 na lugar at ang yellow o areas of concern ay 154 na lugar.
Una nang itinaas sa full alert status ang PNP bilang paghahanda sa darating na eleksiyon.