Natagpuang patay ang isang Municipal Election Officer at misis nito matapos na umano’y pasukin ang kanilang tahanan sa Agutaya, Palawan.
Ayon sa Palawan Provincial Police Office, nadiskubre ng kanilang mga kapitbahay ang bangkay ni Emmanuel Gacott at misis nitong si Frenie Gacott sa loob ng kanilang tahanan.
Ayon sa pulisya si Emmanuel ay natagpuang duguan na nakadapa habang ang misis naman nitong si Frenie ay nadiskubre sa may kusina na duguan sa ulo.
Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na pagnanakaw ang nakikita nilang motibo ng krimen dahil may pag-aaring pawnshop ang mag-asawa.