Hindi masasayang ang mga election paraphernalia at mga suplay na gagamitin sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Ito’y matapos pirmahan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang Republic Act (RA) 11935 na nagsasaad na ipagpaliban ang December 5, 2022, BSKE.
Inihayag ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Garcia na mananatili ang mga election paraphernalia sa warehouse ng COMELEC kung saan mahigpit itong binabantayan at sisisguruhing ligtas hanggang sa Cctober 2023 Barangay at SK Elections.
Habang pansamantalang sinuspindi ang pag-iimprenta ng mga balota na ikinakasa sa National Printing Office (NPO).
Samantala, dahil sa pagpapaliban ng BSKE, balak ng COMELEC na ipagpatuloy ang voters’ registration hanggang sa huling linggo sa buwan ng Nobyembre o kaya sa unang linggo ng Disyembre.