Opisyal nang nagsimula ang Election period para sa 2022 polls kasabay ng inilargang gun ban ng COMELEC, simula kahapon.
Naglagay na ang COMELEC ng mga checkpoint sa ilang strategic area katuwang ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines upang mahigpit na ipatupad ang gun ban na magtatapos naman sa June 8.
Alinsunod sa resolutIon 10728 ng poll body, ipinagbabawal ang pagdadala ng unauthorized firearms, deadly weapons at bodyguards sa labas ng bahay at sa lahat ng pampublikong lugar.
Tanging ang PNP, AFP, Philippine Coast Guard at mga miyembro ng iba pang Law Enforcement Agencies ang exempted sa gun ban, hangga’t may authorization mula sa COMELEC.
Kasabay ng ipinatutupad na Alert level 3 dahil sa muling pagtaas ng COVID-19 cases, inihayag naman ng PNP na maaaring ilagay ang mga checkpoint kasama ng mga quarantine at border control point.
Isasagawa naman ang national at local elections sa May 9.