Kasado na ang pagsisimula ng election period sa Linggo, Enero 13.
Ang election period ay sumasakop sa kabuuan ng eleksyon, mula paghahanda hanggang sa isang buwan matapos ang eleksyon o sa June 12.
Sa panahong ito magsisimula ang ilang mga ipinagbabawal sa panahon ng eleksyon.
Iiral na simula sa Enero 13 ang gun ban sa buong kapuluan o pagbabawal na magdala ng baril, maliban kung may awtorisasyon ang Commission on Elections o COMELEC.
Bawal na ring baguhin ang lugar ng presinto o paglalagay ng bagong presinto para sa eleksyon, paglipat ng mga empleyado ng pamahalaan, paggamit ng security personnel o bodyguard kung walang permiso ang COMELEC, pagbuo ng reaction forces at strike forces at pagsuspindi ng mga halal na opisyal.
—-