Maaring matapos sa loob ng isang taon ang election protest ni dating Sen. Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Ito, ayon kay Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos, ay kung maitatakda na sa Enero ang petsa para sa pagsisimula ng preliminary investigation.
Binigyang diin ni Rodriguez na mabilis lang ang proseso ng election protest dahil kumpleto sila sa mga ebidensya.
Bahagi ng panayam kay Atty. Vic Rodriguez
By Katrina Valle