Opisyal nang natuldukan ang election protest ni dating Presidential Adviser on Political Affairs Francis Tolentino laban sa pagkapanalo ni Senador Leila de Lima noong 2016.
Sa inilabas na resolusyon ng Senate Electoral Tribunal, pinagbigyan nito ang mosyon ni Tolentino na pagbawi sa electoral protest laban kay De Lima kasunod ng kanyang pagtakbo bilang senador ngayong 2019 midterm elections.
Pinagbigyan din ng set ang mosyon ni De Lima na isapubliko ang naging resulta ng revision at appreciation ng recount proceedings na umabot sa 319,228 mula sa 654 clustered precinct na sinuri ng tribunal.
Sa pagsusuri, dito ay napatunayan na nanalo si De Lima laban kay Tolentino sa margin na 1.33 milyong boto.
—-