Umaabot sa siyamnapu ang naitalang validated election related incident ngayong 2016.
Mas mababa ito kung ikukumpara sa 178 validated election related incident noong 2007, 166 noong 2010 at 109 validated election related incident noong 2013.
Ipinaliwanag ni PNP Spokesman Chief Supt.Wilben Mayor na resulta ito ng mas pinaigting na operasyon sa pakikipagtulungan sa COMELEC at AFP.
Sinabi ni Mayor na umaasa sila na patuloy na bababa ang bilang ng mga naitatalang insidente sa mga susunod na halalan.
By: Meann Tanbio