Inihayag Ng Philippine National Police (PNP) na ilang araw bago halalan sa Mayo 9 ay nananatiling mababa ang election-related violence na naitala sa bansa.
Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, hanggang nitong linggo, mayo a-uno aymay kabuuang 52 election-related incidents pa lamang ang kanilang naitala.
Bagamat 13 pa lamang sa mga ito ang verified election-related violence.
Tiniyak naman ng pnp na nakahanda ang kanilang contingency plan para matiyak na magiging mapayapa ang paglulusad ng nalalapit na halalan sa bansa.