Opisyal nang nagsimula ang election season, apat na buwan bago ang midterm polls.
Eksakto alas dose kaninang hatinggabi nang ipatupad ng Commission on Elections ang gun ban kasabay ng paglalagay ng mga checkpoint sa iba’t ibang panig ng bansa katuwang ang Philippine National Police.
Dinaluhan nina Comelec Chairman Sheriff Abas at Spokesman James Jimenez ang isang kick-off ceremony sa Camp Karingal, Quezon City kasabay ng nationwide checkpoint operations ng PNP.
Nag-inspeksyon naman sina PNP Chief Director General Oscar Albayalde at National Capital Region Police Office Chief, Director Guillermo Eleazar sa mga checkpoints sa San Juan at Maynila.
Muling inibisuhan nina Abas at Jimenez ang mga motorista na hindi sila obligadong bumaba sa kanilang sasakyan o magbukas ng compartment dahil sapat na ang pagsilip ng mga pulis sa mga sasakyan subalit nang walang physical contact.
Samantala, mino-monitor na ng Comelec at PNP ang labing walong election hot spots dahil sa mga naitalang karahasan at presensya ng private armed groups.
España, Manila; N. Domingo, San Juan, Elliptical Road, QC – tonight’s checkpoint inspection tour #NLE2019 #GunBan pic.twitter.com/tlxk7QUD9w
— James Jimenez (@jabjimenez) January 12, 2019