Nanawagan sa kongreso ang Commission on Elections (Comelec) na huwag bawasan o kaltasan ang election service honorarium ng mga guro.
Ayon kay Commissioner George Garcia, dapat na magpasa ng batas ang kongreso na mag i-exempt sa mga guro sa buwis.
Sinabi ni Garcia, na dalawang beses na nilang sinulatan ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na tanggalin na ang 20% buwis ng mga gurong magsisilbi bilang Board of Election Inspectors (BEIS) sa darating na eleksiyon sa Mayo a-9.
Matatandaang una nang ipinangako ng Department of Education (DepEd) na bibigyan nila ang mga nasabing guro ng karagdagang dalawang libong piso bilang transportation allowance; P1,500 bilang communication allowance; at P500 para naman sa Anti-COVID-19 allowance.
Samantala, umaasa naman ang mga guro na agad nilang matatanggap ang kanilang bayad sa loob ng 15 araw pagkatapos ng eleksyon.