Nakahanda ang Commission on Elections (COMELEC) na silipin ang umano’y sobrang nagastos ni Pangulong Rodrigo Duterte noong panahon ng kampanya para sa 2016 presidential elections.
Ito ang tiniyak ni COMELEC spokesperson James Jimenez, sakaling may pormal na maghahain ng petisyon para imbestigashan ito.
Ayon kay Jimenez, nalaman lamang nila ang panawagan ng grupong Kontra Daya na imbestigahan ang umano’y overspending ni Pangulong Duterte noong kampanya sa pamamagitan ng mga balita.
Gayunman, sinabi ni Jimenez na hanggang ngayon ay wala pang silang natatanggap na formal request para sa isang imbestigasyon.
Iginiit naman ni Jimenez, sakaling makatanggap sila ng pormal na kahilingan mula sa anumang grupo, agad aniyang kikilos ang COMELEC para maresolba ito.