Duda ang mga nagmamatyag sa eleksyon sa mga last minute resolutions at mga pagbabagong ginagawa ng Commission on Elections (COMELEC) para sa eleksyon sa Lunes.
Unang pinuna ni dating COMELEC Commissioner Gregorio Larrazabal ang pagbabagong ginawa ng COMELEC nito lamang isang linggo na hindi puedeng ibato ng probinsya para sa national canvassing ang resulta ng eleksyon kung hindi pa ito kumpleto ng 100 porsyento.
Nagpahayag ng pangamba si Larrazabal na puedeng ma hijack sa ganitong sitwasyon ang resulta ng eleksyon.
Bahagi ng pahayag ni dating COMELEC Commissioner Gregorio Larrazabal
Kasabay nito, nagpahayag rin ng pagtataka si Larrazabal kung bakit binago ng COMELEC ang panuntunan sa canvassing ng mga boto para sa pangulo at pangalawang pangulo.
Binigyang diin ni Larrazabal galing sa probinsya ang mga binibilang na boto sa national canvassing at hindi regional na tila gustong ipatupad ngayon ng COMELEC.
Sinabi ni Larrazabal, kailangan baguhin ang sistemang gagamitin sa national canvassing at kung isasagawa ito ng komisyon, kailangan anyang ipagbigay-alam ito sa mga partido pulitikal at election watchdogs.
Bahagi ng pahayag ni dating COMELEC Commissioner Gregorio Larrazabal
Ayon kay Larrazabal, isa sa malaking isyu na hindi pa matugunan ng COMELEC ay ang replacement of ballots o pagpapalit ng mga balota sakaling magkaroon ng diperensya sa isang presinto.
Matatandaan na sinabi ng isang opisyal ng COMELEC na tamang-tama lamang ang bilang ng kanilang naimprentang balota.
Bahagi ng pahayag ni dating COMELEC Commissioner Gregorio Larrazabal
PPCRV
Naalarma na ang PPCRV o Parish Pastoral Council for Responsible Voting sa tila pagkukumahog ng Commission on Elections sa paghahanda para sa eleksyon sa Mayo 9.
Ayon kay PPCRV Chairperson Ambassador Tita de Villa, napakaraming last minute na pagbabagong ginagawa ang komisyon at naipon na rin ang mga paghahanda na dapat nilang gawin gayung wala nang isang linggo bago ang halalan.
Inihalimbawa ni de Villa ang CPL o computerized voters list na noong Lunes lamang anya nakuha ng PPCRV.
Kapag hindi anya agad naipakalat ang impormasyon sa CPL, maraming botante ang nanganganib na ma-disenfranchise o hindi makaboto.
Pinuna rin ni de Villa ang pahayag ni COMELEC Chairman Andy Bautista kahapon na wala pa silang na i imprentang voters information sheet.
Isa pa anyang nakakapangamba sa mga pagkukulang ng COMELEC ay ang kabiguan nitong bigyan sila ng listahan ng mga makina at kung saan dinala ang mga ito para sa final testing at sealing o FTS na nagsimula noong Lunes gayung dapat ay mayroon silang kinatawan sa FTS bilang election watchdog na accredited ng komisyon.
By Len Aguirre | Ratsada Balita