Patuloy na nadadagdagan ang electoral protest cases na natatanggap ng Commission on Elections (Comelec) matapos ang midterm elections.
Ipinabatid ng Comelec Electoral Contests Adjudication Department, nasa 36 na ang naihaing electoral protests hanggang kahapon.
Sa ilalim ng umiiral na batas, ang protesta para sa mga senador ay ipinauubaya sa Senate Electoral Tribunal habang ang reklamo sa mga kongresista ay hinahawakan ng House of Representatives Electoral Tribunal.
Nasa hurisdiksyon naman ng Comelec head office ang mga protesta para sa city and provincial elective positions habang ang regional trial courts naman ang sa municipal elective positions.