Sinimulan nang aksyunan ng senate electoral tribunal o SET ang inihaing election protest ni dating MMDA Chairman Francis Tolentino laban kay Senador Leila de Lima.
Ayon kay Senate President pro tempore Franklin Drilon, isa sa mga miyembro ng SET, binigyan na sila ng briefing sa inihaing protesta ni Tolentino at maging sa naging tugon dito ni De Lima.
Magkakaroon aniya sila ng preliminary conference sa naturang usapin sa a-Sais ng Oktubre.
Ipinabatid ni Drilon na target nilang desisyunan ang naturang election protest bago matapos ang 17th Congress.
Matatandaang sa nakalipas na senatorial elections, pang-labing dalawa si De Lima, habang pang-labing tatlo si Tolentino.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno