Hindi nababahala ang kampo ni Vice President Leni Robredo kaugnay sa isinampang electoral protest ni dating Senador Bongbong Marcos.
Gayunman, sinabi ni Robredo na hindi pa siya maaaring makapagkomento sa usapin dahil hindi pa niya natatanggap ang kopya ng kautusan ng Korte Suprema.
Magugunitang sampung araw ang ibinigay ng Korte Suprema na siyang tumatayo bilang Presidential Electoral Tribunal sa kampo ni Robredo para sumagot sa inihaing protesta ng dating senador.
Bahagi ng pahayag ni Vice President Leni Robredo
Ngunit aminado si Robredo na ang pinoproblema niya sa ngayon ay kung saan kukunin ang pambayad sa mga kukunin niyang abogado na siyang hahawak sa kaso.
Bahagi ng pahayag ni Vice President Leni Robredo
Marcos camp
Magandang development para sa kampo ni Sen. Bongbong Marcos ang pagpapasagot ng Presidential Electoral Tribunal, kay Vice President Leni Robredo sa electoral protest laban dito.
Ayon kay Atty. George Garcia, isa sa mga legal counsel ni Marcos, ito ay dahil mismong ang tribunal na ang nagsabi na sufficient in form and substance ang kanilang reklamo laban kay Robredo.
Mahalaga din aniya ang pagtugon ng PET sa kanilang hiling na proteksyon para sa mga makina at software na bahagi ng kanilang petisyon.
Bahagi ng pahayag ni Atty. George Garcia
Binigyang diin din ni Garcia na isa sa pinakamabigat nilang kinuwestyon ay ang presensya ng tinatawag na queue server kung saan iniipon ang lahat ng resulta ng eleksyon.
Bahagi ng pahayag ni Atty. George Garcia
By Jaymark Dagala | Jonathan Andal (Patrol 31) | Karambola
Photo Credit: OVP