Posibleng maging madali na para kay dating Senador Bongbong Marcos ang maupo sa pagka-bise presidente ng Republika ng Pilipinas.
Ito’y ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre ay kung sakaling matuloy ang planong impeachment laban kay Vice President Leni Robredo.
Gayunman, nilinaw ni Aguirre na kakailanganin pa rin ng isang resolusyon mula sa Presidential Electoral Tribunal (PET) upang mapagtibay ang pag-upo ni Marcos kung papabor sa kanya ang inihaing electoral protest.
Ngunit sang-ayon sa Saligang Batas, sinabi ni Aguirre na ang pangatlo sa pinakamataas na posisyon sa bansa ang siyang papalit sa Pangalawang Pangulo kapag ito ay napatalsik, at iyon ay si Senate President Koko Pimentel.
By Jaymark Dagala