Ibinasura ng Supreme Court ang electoral protest na inihain ni dating Sen. Ferdinand Marcos Jr. laban kay Vice President Leni Robredo.
Ito’y batay sa naging desisyon ng Supreme Court na tumatayong Presidential Electoral Tribunal kung saan unanimous ang naging desisyon.
Pebrero 16 nang magsagawa ng en banc session ang Supreme Court.
Tumagal ng apat na taon ang pagdinig ng Supreme Court sa electoral protest ni Marcos.
Una nang sinabi ni Robredo na malinaw sa batas ng Presidential Electoral Tribunal na ibabasura ang inihaing election protest kapag hindi nakapagsumite ang indibidwal ng substantial recovery matapos ang inisyal na recount.
Naging isyu kay Marcos ang mga boto ni Robredo mula sa probinsya ng Maguindanao, Lanao Del Sur at Basilan kung saan sinasabi ng dating senador na may bahid umano ng terorismo at pananakot ang eleksyon.