Posibleng isumite na ng kampo ni dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang kanilang tugon sa Korte Suprema na tumatayo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET).
Ito’y kasunod na rin ng atas ng PET sa kampo nila Marcos at Vice President Leni Robredo kaugnay ng electoral protest nitong 2016 elections.
Ayon kay Marcos, umaasa silang bibigyang pansin din sa dakong huli ang kanilang hirit na ibasura na ang resulta ng nakalipas na halalan dahil nananatili pa ring kuwesyunable ang resulta sa ilang lalawigan.
Kapwa kumpiyansa ang magkabilang panig na papanig sa kanila ang hukuman sa isyu ng electoral protest dahil sa nailatag naman na ng mga ito ang kani-kanilang mga argumento.