Tuluy-tuloy ang electoral protest ni Presidential Political Adviser Francis Tolentino laban kay Senador Leila De Lima.
Sa katunayan, ipinabatid ni Tolentino na nakuha na noong isang linggo ang ballot boxes mula sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.
Inamin ni Tolentino na mabagal at nakakainip ang proseso ng electoral protest sa pagkakapasok ni De Lima sa ika-12 posisyon sa senatorial elections.
Si Tolentino ay tumakbong independent candidate noong may Senatorial Elections at nalamangan ni De Lima ng halos 1. 3 milyong boto.
Tolentino suportado si MMDA Chair Danilo Lim
Suportado ni Presidential Political Adviser Francis Tolentino si Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim.
Sinabi ni Tolentino na tama lamang ang ginagawang pagsita sa mga lumalabag sa alituntunin hinggil sa mga bus terminal.
Ipinaalala ni Tolentino ang hakbangin niya noong siya pa ang MMDA chairman na pagtatayo ng Southwest Bus Terminal dahil nais niyang maging centralize ang sistema.
Kasabay nito, nanawagan si Tolentino sa publiko na suportahan din ang mga hakbangin ni Lim para sa pagkakaroon ng maayos na mga polisiya may kaugnayan sa trapiko.