Siyam na electric cooperatives na lamang ang nasa ilalim ng partial power interruption matapos ang pananalasa ng bagyong Paeng.
Binubuo ang mga ito ng IFELCO, CAGELCO 1, MARELCO, CASURECO 4, QUEZELCO 1, ANTECO, NORSAMELCO, SURNECO at MAGELCO.
Tiniyak naman ng National Electrification Administration – Disaster Risk Reduction and Management Department (NEA-DRRMD) na nagpapatuloy ang kanilang restoration activities upang maibalik sa normal ang supply ng kuryente.
Batay sa datos ng NEA, umabot na sa 117.4 million pesos ang halaga ng pinsala ng bagyo sa mga electric cooperative. —sa panulat ni Jenn Patrolla