“Electro-Mechanical Malfunction” ang naging mitsa ng Air Traffic System glitch sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong bagong taon.
Ayon kay Information and Communications Technology Secretary Ivan John Uy, tinalakay na ang issue nang pulungin ni Pangulong Bongbong Marcos ang Department of Transportation.
Pagdating naman sa issue ng cybersecurity, wala anyang kahit anong cyber-related incident na naging sanhi ng insidente noong Enero 1.
Samantala, inihayag ni Transportation Secretary Jaime Bautista na ipinag-utos na ni Pangulong Marcos sa ahensya na paspasan ang pagbuo ng kasunduan sa maintenance provider na Sumitomo-Thales, na target i-modernize ang Aviation Safety System ng bansa.
Mahigit 65,000 pasahero ang naapektuhan matapos makansela ang halos 300 flights dahil sa pagpalya ng air traffic system sa NAIA sa pagpasok pa lamang ng taong 2023.