Nagbabala ang Commission on Elections (Comelec) kaugnay sa electronic vote buying sa 2022 general elections sa gitna ng paglaganap ng cashless transactions bunsod ng COVID-19 pandemic.
Ito’y matapos balaan ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang mga kakandidato sa halalan sa posibleng pananamantala sa ng mga nagbabalak bumili ng boto dahil sa lumlawak na paggamit ng digital platforms o e-wallets sa bansa.
Sinang-ayunan naman ito ni poll’s body spokesperson James Jimenez na aniya’y matagal na nilang nakikita ang paggamit ng e-wallet bilang potensyal na paraan sa mga nais gumawa ng kalokohan sa eleksyon.
Ani Jimenez, hindi kayang maresolba o bantayan ng Comelec at PNP lang sakaling magkaroon ng vote buying via electronic money transfer services.