Pinag-aaralan ng FIFA ang posibleng pagpapaliban ng nakatakdang eleksyon para sa kanilang susunod na presidente na una nang itinakda sa Pebrero 26.
Ito ay matapos suspindihin si FIFA President Sepp Blatter at UEFA President Michel Platini.
Pagpapasyahan ng football association ang pagpapaliban ng eleksyon, sa gagawing emergency meeting ngayong linggo.
By Katrina Valle