Tuloy ang gagawing eleksyon sa 2022 sa gitna ng nangyayaring pandemya sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito’y ayon sa Commission on Elections (Comelec), nagsisimula na silang maghanda para dito at tuloy-tuloy na ang gagawing eleksyon sa 2022.
Magpapatupad din ang Comelec ng health at safety protocols sa mangyayaring botohan laban kontra COVID-19.
Magtatalaga din ang Comelec ng mga medical personnel kada voting center para i-check ang temperatura ng mga boboto.
Samantala, kinakailangan ring magsuot ng face masks bago pumasok sa lugar kung saan isasagawa ang pagboto habang hinihimok din ang paggamit ng face shield.