Posibleng maitala sa kasaysayan ng Singapore ang pagkakaroon ng kauna-unahang babaeng pangulo.
Ito’y dahil sa iisang kandidato lamang ang nakapasa para kumandidato para sa halalan doon.
Ayon sa Elections Department ng Singapore, si dating Parliament Speaker Halimah Yacob ang bukod tanging nakapasa mula sa limang naghain ng kandidatura.
Dahil dito, posibleng maging mabilis na ang halalan at awtomatiko nang maproklamang pangulo si Yacob dahil sa wala rin itong makakalaban.
—-