Kinansela ng Malacañang ang pasok ng mga estudyante sa elementarya at high school sa pampubliko at pribadong paaralan, sa National Capital Region at sa iba pang lugar na maapektuhan ng tigil-pasada ng ilang transport group bukas.
Pinayuhan naman ng Office of the Executive Secretary ang mga estudyante sa kolehiyo na maghintay ng anunsiyo hanggang alas 11:00 ng umaga, kung kakanselahin din ang pang hapon at pang gabing klase.
Ang tigil-pasada ng ilang transport group ay bilang pagtutol sa plano ng gobyerno na pag-phase out sa mga luma at bulok na mga pampasaherong sasakyan.
Tinututulan ng mga tsuper at operators ang isinusulong na modernisasyon ng gobyerno dahil hindi nila umano kaya ang presyo ng mga pamalit na mga bagong sasakyan.
By: Katrina Valle / Aileen Taliping