Tiyak na nanggagalaiti sa selos ang mga babaeng may crush sa soon- to- be Presidential son na si Sebastian o Baste Duterte.
Ito’y makaraang ipost ng sexy model – actress na si Elen Adarna ang kaniyang Instagram account ang larawan nilang dalawa ni Baste na magkasama sa Siargao Island sa Surigao del Norte.
Pabirong pahayag ni Elen sa kaniyang post na “sorry, girls” na patama umano nito sa mga babaeng may matinding paghanga kay Baste.
Sa kasalukuyan, sinabi Elen na kaniyang sinusulit ang pagbabakasyon sa nasabing lugar kasama ang kaniyang mga barkada at suwerteng naispatan ng mga ito ang Hunk Presidential son to be.
By: Jaymark Dagala