Tinanggihan ng MMDA o Metropolitan Manila Development Authority ang panukalang 1.6 billion pesos na pondo para sa paggawa ng elevated bus ramp sa kahabaan ng EDSA.
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, nag-desisyon siyang buksan na lamang ang isa pang U-turn slot, maglagay ng traffic lights at traffic enforcers kung saan gagastos lang ng 2M piso.
Kung bubuo kasi aniya ng bus ramp sa isang intersection ay aabutin na agad ito ng 4B piso.
Dagdag ni Abalos kailangang gamitin sa matalinong paraan ang pera ng bayan.