Nakatakdang magpatayo ng elevated pathway sa EDSA ang gobyerno na pakikinabangan hindi lamang ng mga pedestrian kundi maging mga biker.
Ito’y matapos mangako ang Asian Development Bank (ADB) na pauutangin ang Pilipinas ng $100-M.
Ang naturang hakbang ay tinawag na “greenways” project sa pagtutulungan ng gobyerno at ADB.
Nabatid na planong magtayo ng gobyerno ng anim hanggang pitong greenways sa North Edsa, Ortigas at Taft intersections sa main highway.