Gagamitin ang mga Elite forces ng Philippine National Police para tumulong sa pagtugis sa mga bandidong Abu Sayyaf na namemerwisyo ng mga insoenteng sibilyan sa Mindanao.
Sinabi ni PNP Spokesman Police Chief Supt. Wilben Mayor na mahigpit ang direktiba ni Pangulong Benigno Aquino III na paigtingin ang opensiba laban sa bandidong grupo.
Gayunman, sinabi ni Mayor na hindi pa napag-uusapan kung paano magagamit ang elite forces nila para sa kampanya laban sa Abu Sayyaf.
Posible aniyang sa intelligence aspect sila makakatulong at magkaroon ng koordinasyon sa kanilang counterparts sa Armed Forces of the Philippines.
By: Aileen Taliping (Patrol 23)