Mariing pinabulaanan ng sexy actress na si Ellen Adarna ang alegasyon na gumagamit sila ni Baste Duterte, bunsong anak ng Pangulong Rodrigo Duterte ng marijuana.
Kumalat ang espekulasyong ito dahil sa video na in-upload ni Ellen na sinasabing mukha raw silang naka-droga.
Paglilinaw ni Ellen, naka-inom lamang daw sila at isang smokeless electronic cigarette mula sa Japan ang gamit ni Baste sa naturang video.
Hindi naman aniya nila tatangkaing pang gumamit na marijuana at i-upload ang video dahil alam naman ng lahat na mahigipt ang kampanya ni Pangulong Duterte laban sa iligal na droga.
Sa huli dinaan na lang sa biro ni Ellen, na si Senator Trillanes ang nagpakalat ng isyu.
By Krista de Dios
Photo: Screengrab from maria.elena.adarna / Instagram