Taken na ang sexy star na si Ellen Adarna.
Mismong ang Pasion de Amor star na si Ellen ang umaming mayroon na itong nobyo at isang foreigner.
Gayunman, tumanggi nang magbigay ng detalye si Adarna sa pagkakakilanlan ng bago nitong boyfriend na nakabase aniya sa ibang bansa.
Sinabi ni Ellen na isang buwan na silang ‘dating’ ng kanyang kasintahan.
Pag-amin ni Ellen, hindi na sila dumaan sa ligawan dahil sa iba aniya ang kultura nito.
Sinabi ni Ellen na magmula nang magsimula silang mag-date ay otomatiko aniyang sila na ng naturang mapalad na lalake.
Sa ngayon ay abala si Adarna sa nalalapit na shooting ng pelikula nilang Pasion de Amor mula sa dati nilang teleserye.
By Ralph Obina