Inamin ni Ellen Adarna na si Baste Duterte ang nakipaghiwalay sa kanya makaraan ang kanilang halos pitong buwang relasyon.
Kwento ni Ellen, bago mag-pasko nang magtext si Baste kung saan tinanong siya ng Presidential son kung ano kaya’t maghiwalay na sila.
Ayon sa aktres, hindi na sila nag-usap mula noon ngunit muli ring naging maayos ang kanilang komunikasyon pagkatapos ang New Year’s day.
Hindi na idinetalye pa ni Ellen ang dahilan ng kanilang hiwalayan.
Gayunpaman, tiniyak niyang nananatili silang magkaibigan ni Baste dahil magkasundung-magkasundo, aniya, sila.
By: Avee Devierte