(Updated)
Nakalabas na ng ospital ang asawa ni Filipino-Australian Golfer Jason Day na si Ellie Day matapos itong madaganan ni NBA star Lebron James sa game ng Cleveland Cavaliers laban sa Oklahoma City Thunder kahapon.
Isang gabi rin nanatili si Ellie Day sa Cleveland Metro Health Medical Center matapos ang insidente.
Nadaganan ni Lebron si Ellie na nakaupo noon sa courtside nang isalba ng NBA star ang bola na patungo sa labas ng court.
Humingi din naman nang paumanhin si Lebron at nagpaabot nang panalangin sa agarang paggaling ni Ellie.
Sinabi naman ng tagapagsalita ng pamilya Day na walang sama ng loob si Ellie kay Lebron dahil alam naman nitong ginagawa lang ng basketbolista ang kanyang trabaho.
By Jonathan Andal
Photo Credit: David Richard/USA TODAY Sports