Lumipat na sa Kapamilya network ang isa pang anak ni Master Rapper Francis M. na si Elmo Magalona.
Kahapon ay pumirma na si Elmo ng kontrata sa ABS – CBN at magiging katambal niya ang teen star na si Janella Salvador sa kanyang unang proyekto.
Sa isinagawang presscon matapos ang kanyang contract signing, sinagot ni Elmo ang mga espekulasyon kaugnay ng kanyang paglipat sa Kapamilya network.
Itinanggi ni Elmo na nagkaroon siya ng tampo sa GMA dahil pakiramdam umano niya ay napabayaan nito ang kanyang career.
Dagdag pa ni Elmo, nagpapasalamat siya sa limang taon niya bilang isang Kapuso star.
Aminado rin ang young actor na nahirapan siya sa kanyang desisyon na lumipat.
Gayunman, excited pa rin si Elmo sa kanyang bagong tahanan at itinuturing niyang isang bagong adventure ang kanyang paglipat.
Samantala, may mga espekulasyon din na ang susunod na mangingibang bakod ay si Asia’s Song Bird Regine Velasquez.
By Krista de Dios