Hindi na itutuloy ni Elon Musk ang pagbili sa Twitter dahil sa sinasabing misleading statements ng kompanya tungkol sa mga spam o fake accounts.
Ayon sa kampo Musk, mahalaga ang mga impormasyon na ibibigay sana ng social media company upang mapatakbo nang mabuti ang kompanya.
Dahil dito, tine-terminate na niya ang merger agreement na nagkakahalaga ng 44 billion dollars.
Ngunit nakasaad naman umano sa deal na magbabayad si Musk ng isang bilyong dolyar bilang break-up fee kapag hindi natuloy ang transaksiyon.