Nahaharap sa perpetual disqualification si Ely Pamatong.
Paliwanag ng Commission on Elections, nabigo si Pamatong na magsumite ng statements of Contributions and Expenditures o SOCE noong 2007 elections kung saan tumakbo siyang Gobernador ng Pampanga at noong 2013 elections, kumandidato siya bilang kinatawan ng unang distrito ng Davao City.
Kabilang din si Pamatong sa naghain ng certificate of candidacy para sa 2016 presidential election ngunit idineklara na ng COMELEC na nuisance candidate.
Bukod kay Pamatong, nahaharap din sa perpetual disqualification ang 90 iba pang kumandidato simula noong 2007 elections.
By: Meann Tanbio