Binuksan na muli ng United States ang kanilang embahada sa Kyiv, Ukraine matapos ang tatlong buwan na pagsasara.
Sinabi ni Spokesperson Daniel Langenkamp, mayroon lamang anya piling diplomats ang bumalik sa kanilang staff mission.
Wala rin aniya kasing ipinatutupad na ipinatutupad na travel ban ang US sa Ukraine kaya nila ibinalik ang naturang operasyon ng kanilang embahada.
Matatandaang isinara ng Amerika ang kanilang embahada nuong Pebrero sa Ukraine bago ang pag-atake ng Russia sa nasabing bansa.