Isinailalim sa lockdown ang Israeli Embassy sa Jordan matapos ang insidente ng pamamaril na ikinasawi ng isang tao.
Ayon sa Jordanian authorities, bukod sa nasawi may dalawa pang mga nasugatan sa insidente ngunit hindi pa tinukoy ang pagkakakilanlan ng mga ito.
Pinalikas ang mga staff ng embahada bago ito inilagay sa lockdown.
Una nang lumusod sa naturang embahada ang mga Jordanian dahil sa kanilang naging pagtutol matapos na ipatupad ng Israel ang mas mahigpit na seguridad sa East Jerusalem na sagrado sa parehong mga Muslim at Hudyo.
By Rianne Briones
*AFP Photo