Patuloy na nagmo-monitor ang Embahada ng Pilipinas sa Paris, France para matukoy kung mayroong Filipinong nadamay sa malagim na terror attack na kumitil sa buhay ng mahigit isang daang katao at nakasugat ng maraming iba pa.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, nakikipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs kay Ambassador Maria Theresa Lazaro para kumuha ng updates hinggil sa naganap na insidente.
Sinabi ni Coloma na wala pang report na may pilipinong nadamay o naapektuhan sa terror attack at inabisuhan na ang mga pinoy sa lugar na sumunod sa mga panawagan ng local authorities.
Tiniyak ni Coloma na nakahanda ang embahada na tumulong sa mga mangailangan ng pag-alalay kasunod ng naganap na terror attack.
By: Jonathan Andal