Patuloy na binabantay ng embahada ng Pilipinas sa Riyadh ang sitwasyon at kalagayan ng mga Pilipino sa Saudi Arabia kasunod ng nangyaring pag-atake sa mga pasilidad ng isang kumpanya ng langis doon.
Ayon sa Philippine Embassy, wala pang napapaulat na nasakatan o nasawi sa naganap na drone attack sa Saudi Aramco Facilities sa Abqaiq at Khurais.
Bagama’t pangkalahatang normal ang sitwasyon sa Saudi Arabia, pinapayuhan pa rin ng embahada ang Pilipino community doon na manatiling nakaalerto sa sitwasyon at kalmado.
Dagdag ng embaha ng Pilipinas, mahigpit na rin silang nakikipag-ugnayan sa mga otoridad sa Saudi Arabia para matiyak ang kaligtasan at seguirdad ng mga Pilipino sa nabanggit na bansa.
Batay sa ulat, inako na ng rebeldeng Houthi ng Yemen ang pag-atake sa Saudi Aramco.