Pinag-iingat ng embahada ng Pilipinas sa Japan ang mga Pilipino sa pagtama doon ng malakas na bagyo na may international name na Hagibis.
Ayon sa Philippine Embassy sa Tokyo, partikular na inabisuhan ay ang mga Overseas Filipino Workers na nasa Ogasawara Island at Chiba Prefecture kung saan inaasahang tatama ang bagyo.
Hinikayat ang mga ito na mag monitor ng weather update mula sa mga otoridad.
Sa impormasyon ng Japan meteorological agency, inasahang magdadala ng malakas na ulan, storm surges at pagbaha ang naturang bagyo.