Puspusan pa rin ang monitoring ng Philippine Consulate sa Los Angeles California sa mga naging biktima ng pamamaril sa Las Vegas Nevada na ikinasawi ng 59 katao at ikinasugat ng mahigit 500 iba pa.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesman at Assistant Secretary Robespierre Bolivar, matindi ang kanilang pangamba dahil halos 131,000 Pinoy ang nasa Southern Nevada.
Tiniyak ni Bolivar na hindi nila titigilan ang pagmo-monitor hangga’t hindi nila natitiyak ang kaligtasan ng lahat ng Pilipino.
“Nagpapahayag po tayo ng lubhang simpatiya sa mga pamilya ng nasawi, wala pa naman tayong natatanggap na reports na may nasugatan o nasawing Pilipino sa insidente, yan po ang mabuting balita.” Pahayag ni Bolivar
(Ratsada Balita Interview)