Dinagsa ng mahigit 1,000 mga filipino ang Embahada ng Pilipinas sa Lebanon.
Ito ay upang makapagparehistro sa iniaalok na libreng repatriation o ticket ng eroplano pabalik ng Pilipinas ng Embahada sa gitna na rin ng bumabagsak na ekonomiya ng Lebanon.
Ayon sa Philippine Embassy sa Beirut, karamihan sa mga nagparehistro ay mga babaeng domestic workers kasama ang kanilang mga anak.
Nakatakdang isagawa ang alok na mass repatriation ng Embahada ng Pilipinas sa Pebrero ng susunod na taon.