Siniguro ng embahada ng Pilipinas sa Lebanon na walang Pinoy na nadamay, nasawi o nasaktan sa nangyaring street violence na naganap sa Beirut.
Matatandaang, nasawi ang anim na indibidwal matapos ang pag-atake ng mahigit 100 kalalakihan sa naturang lugar sa gitna ng lockdown.
Dahil dito, nagpaalala ang Philippine Embassy sa mga Pilipino community na nasa Lebanon na manatiling alerto, mag-ingat at iwasang magpunta sa matataong lugar.—sa panulat ni Angelica Doctolero